Ito ang aking pagtangka sa pagpapaliwanag ng aking kasarian.
Alam ninyo ang babae at saka lalake. Ito ang pinaguusapan pag pinapanganak ang sanggol.
Sa nakasanayan ng marami, ang ari ng tao at saka ang kasarian ay pinagtutugma. Ang ari ng tao kung saan hinahango ang kanyang "kasarian" ay tawag na "assigned sex at birth". Ang aking assigned sex at birth ay Female. AFAB for short, assigned female at birth.
Ang Gender o kaya Gender Identity ay hindi parating nakabase sa ari ng tao.
Walang kinalaman ang assigned sex at birth sa gender identity. Maaaring iba ang gender identity sa kanyang assigned sex at birth.
<aside> 💡 Pagusapan natin saglit ang Bakla. Alin dito sa tingin ninyo ang definition ng salitang Bakla?
A. Lalaki na interesado sa kapwa lalaki B. Pinanganak na lalaki na ngayon ay babae
Sa totoo, hindi ko alam ang tamang sagot. Sa pagkaka alam ko, pinaghalo ang parehong kahulugan sa salitang Bakla, ngunit pwedeng A lamang, B lamang, o pareho.
</aside>
Ang cisgender woman saka transgender woman ay parehong babae, at parehong lalaki ang cisgender man at saka transgender man.
Nakasanayan ng marami na dalawa lamang ang alam nilang kasarian. Ngunit marami pang ibang kasarian na ngayon palang napapagusapan ng marami. Kung ang kasarian na babae at lalaki ay binary (hango sa dalawa), ang mga ibang kasarian ay nonbinary.
Ang aking karaniwang gender expression ngayon ay pambabaeng itsura. Habang ang anyo ko ay pambabae, ang aking gender identity ay nonbinary.